Sabado, Pebrero 28, 2015

Bakit Hindi Masaya ang Martial Law?

Nag Martial Law kami dito sa Raya School. Hindi kami nakalaro ng maayos kasi bawal maglaro. Hindi rin kami nakakain ng masyado kasi sampung minuto lang ang tanghalian at merienda. Bawal din makipag-usap sa mga kaklase, maliban kapag tungkol sa asignatura. Marami pa ang mga kailangang gawin! Hindi ko gusto ang Martial Law kasi hindi naming magagawa ang gusto naming gawin.

Lunes, Pebrero 16, 2015

Ang Byaheng Maynila

Pumunta  kami sa MMDA Safety Park, Fort Santiago, San Agustin Church, Rizal Park,  at Manila Zoo kasama ang grades 1 at 2. Naglaro kami ng laro tungkol sa daanan sa MMDA Safety Park. Nakita namin yung dungeon kung saan nila kinulong ang mga rebeldeng Filipino sa Fort Santiago. Nakita rin naming yung box ng kinulong na mga namatay na mga tao sa San Agustin Church. Pinuntahahan din naming yung estatwa ni Lapu-lapu sa Rizal Park. Gusto kong pakawalan ang mga hayop sa Manila Zoo.

Narito ang ilan sa mga litrato na aking nakunan: