Pumunta kami ng grades 1, 2, 3, 4,
5, at 6 Raya School sa GK Enchanted Farm. Nakapunta kami sa playground. May
slide, monkey bars at bridge. Naka amoy din akong mabaho at maduming dumi ng bibe. Pinakita din sa amin kung paano
gumawa ng peanut butter. Pero nung natikman ko yung peanut butter, ang alat!
Ang saya pala sa GK Enchanted Farm!
Sabado, Enero 31, 2015
Linggo, Enero 25, 2015
Sabado, Enero 17, 2015
Ako at ang aking mga alaga
Ako si Karina. Mahilig ako sa hayop. Mayroon akong alagang dalawang aso. Yung isa ay
cross-breed. Tapos yung isa naman ay Labrador. Mas matanda ang cross-breed na
aso ko. Ang pangalan ng cross-breed na aso ko ay Bureche. Pagkatapos ng tatlong
buwan nagkaroon akong Labrador na aso pangalan niya ay Houndour. Si Bureche ay
maingay kumahol lalo na pag may pusa. Maingay si Bureche pag may tao. Si
Houndour ay makulit kasi bata pa siya. Masayang-masaya ako sa dalawang aso ko!

