Biyernes, Marso 13, 2015

Ang Masayang Ideya

Gagawa ako ng mga laruan gamit ang mga basura. Para hindi masayang ang pera, gagawa ako ng poster na may nakasulat na  “tingnan ang bulsa ng mga damit bago labhan”. Gagamitin ko ang kahon ng sapatos bilang lalagyan ng aking mga idodonate na bottled water, pagkain, damit,  laruan, at iba pa. Gagawa rin ako ng damit gamit ang niresiklong tela. Masaya palang tumulong!











Ang retrato ay mula sa: http://www.sermons4kids.com/sharing_lg.gif

Sabado, Pebrero 28, 2015

Bakit Hindi Masaya ang Martial Law?

Nag Martial Law kami dito sa Raya School. Hindi kami nakalaro ng maayos kasi bawal maglaro. Hindi rin kami nakakain ng masyado kasi sampung minuto lang ang tanghalian at merienda. Bawal din makipag-usap sa mga kaklase, maliban kapag tungkol sa asignatura. Marami pa ang mga kailangang gawin! Hindi ko gusto ang Martial Law kasi hindi naming magagawa ang gusto naming gawin.

Lunes, Pebrero 16, 2015

Ang Byaheng Maynila

Pumunta  kami sa MMDA Safety Park, Fort Santiago, San Agustin Church, Rizal Park,  at Manila Zoo kasama ang grades 1 at 2. Naglaro kami ng laro tungkol sa daanan sa MMDA Safety Park. Nakita namin yung dungeon kung saan nila kinulong ang mga rebeldeng Filipino sa Fort Santiago. Nakita rin naming yung box ng kinulong na mga namatay na mga tao sa San Agustin Church. Pinuntahahan din naming yung estatwa ni Lapu-lapu sa Rizal Park. Gusto kong pakawalan ang mga hayop sa Manila Zoo.

Narito ang ilan sa mga litrato na aking nakunan:



Sabado, Enero 31, 2015

Ang Masayang Byahe ni Karina sa GK Enchanted Farm

Pumunta kami ng grades 1, 2, 3, 4, 5, at 6 Raya School sa GK Enchanted Farm. Nakapunta kami sa playground. May slide, monkey bars at bridge. Naka amoy din akong mabaho at maduming  dumi ng bibe. Pinakita din sa amin kung paano gumawa ng peanut butter. Pero nung natikman ko yung peanut butter, ang alat! Ang saya pala sa GK Enchanted Farm!

Linggo, Enero 25, 2015

Bakit masaya ang mundo para sa akin?

Masaya ang mundo. Masaya siya kasi puwede kang tumira sa mundo. Suwerte tayo sa mundo kasi may park, hotel, at iba pa. Magkakaroon ka pa ng kaibigan. May masarap pang pagkain. Espesyal talaga ang mundo!


*Ang larawan na ito ay mula sa Teaching Munchkins na blog.

Sabado, Enero 17, 2015

Ako at ang aking mga alaga




                Ako si Karina. Mahilig ako sa hayop. Mayroon akong alagang dalawang aso. Yung isa ay cross-breed. Tapos yung isa naman ay Labrador. Mas matanda ang cross-breed na aso ko. Ang pangalan ng cross-breed na aso ko ay Bureche. Pagkatapos ng tatlong buwan nagkaroon akong Labrador na aso pangalan niya ay Houndour. Si Bureche ay maingay kumahol lalo na pag may pusa. Maingay si Bureche pag may tao. Si Houndour ay makulit kasi bata pa siya. Masayang-masaya ako sa dalawang aso ko!